Tuesday, March 24, 2009

para sa mga bagong graduates.

gusto ko kayong i-congratulate at gusto ko kayong i-welcome. tapos na ang buhay eskwela. ngayon ang simula ng tunay na buhay.

malamang marami sa inyo ang naghahanap ng trabaho(goodluck). ung iba naman ay nagsisimula nang mag isip ng pag papamilya. at siguro mayroon parin ang sumusunod sa "pahinga muna anak" motto. ganun paman gusto ko kayong batiin ng magandang kaarawan. dahil ngayon palang kayo mabubuhay. ngayon nyo palang matitikman ang mabuhay. ngayon malalaman nyo na ang katotohanan.

wag kayong matakot dahil halos kaunti lang naman ang pinagkaiba sa eskwela. gigising din kayo nang maaga para pumasok - sa trabaho. nanjan parin ang "no id no entry" rule. nanjan din ang boss mo sa halip na titser. at syempre me grades - pera. meron ding mga top ten - mga sipsip sa boss... walang pinagkaiba :)

mas masaya dito kasi ngayon magkakapera ka na. hindi kana manghihingi ng pera sa nanay mo. lahat ng gusto mong laruan mabibili mo na - psp, ipod, laptop, ps3, bagong cellphone. at kung mas mataas pa ung grade ( sweldo) mo makakabili ka ng mas mahal na laruan... (kotse , bahay, motor, etc ). kung gusto mong gumimik ok lang. kasi ikaw naman ang kikita ng panggastos mo.

exciting di ba? pero wag kayong masilaw agad. dahil kagaya ng eskwela marami rin ang bumabagsak. kung ang grade ay ang pera, ang bumabagsak ay ang taong walang pera. tingin lang kayo sa paligid nyo. im sure maraming pilipino ngayon ang bumabagsak (walang pera). at katulad ng eskwela, ang mga bumabagsak ay mga taong hindi nag handa.

at syempre may mga pagkakaiba din:

1. attitude sa pagkakamali-
sa eskwela kapag nagkamali ka ang tawag sayo ay tanga.
sa labas ng eskwela, ok lang magkamali dahil dun ka matututo.
example: kung hindi ka mapapaso, hindi mo malalaman na mainit pala ang isinubo mo

2. attitude sa pagtutulong tulong-
sa eskwela kapag nag patulong ka sa iba ang tawag sayo ay cheater.
sa labas ng eskwela kapag hindi ka nakipagtulungan ay hindi ka magtatagumpay.

3. attitude sa pag iisip ng bagong paraan
sa eskwela kapag may pinagawa sayo ang titser mo at naka isip ka nang masmabilis na paraan: "not following instruction"
sa labas ng eskwela kapag nakaisip ka ng mas mabilis at mas madaling paraan ang tawag sayo ay henyo.


kanina may sinabi ako tungkol sa pera at grades. malamang marami na sainyo ang pagod na pagod na sa pag aaral. at gusto nyo nang i enjoy ang buhay. well actually jan talaga ako pupunta. pero gusto kong ituro ang isa sa formula...

kaligayahan = pera + oras.

so para mag enjoy kayo kailangan nyo ng dalawa. pero hindi nyo ba napapansin na kapag nagtrabaho na kayo, ang ginagawa nyo ay pinagpapalit nyo ang oras sa pera? so kung nag trabaho kayo ng kumpletong oras, kumpleto din ang sweldo nyo. kapag kaunti ang oras na tinrabaho nyo eh kaundi rin ang sweldo nyo.

ngayon magkakaproblema na tayo. dahil kung mag eenjoy ka rin lang e dapat enjoy talaga. pero kakaunti lang ang oras natin. at kung gusto natin nang engrandeng kasiyahan kailangan din natin ng engrandeng pera. so kung dadagdagan mo ang oras mo para kumita nang maraming pera eh mababawasan naman ang oras mo para i enjoy ang buhay.

nakakapagtaka hindi ba?

pero alam nyo ba na hindi lang sa pagiging empleyado ang paraan para magkapera?

alam nyo ba na may mga taong kumikita kahit hindi nagtatrabaho?

gusto nyo bang malaman kung papaano nila ginagawa iyon???

email nyo ako... pag usapan natin.

pinoypiper@yahoo.com