Monday, May 4, 2009

nanalo si pacquiao, pero talo pa rin ang pilipinas

kung may isang pagkakataon ka
para magbigay sa mga pilipino
ano ang ibibigay mo?

pagkain para sa walang makain?

pera para sa walang pera?

trabaho para sa walang trabaho?

oras para sa mga mamamatay na?

boses para sa mga pipi?

kinabukasan para sa walang kinabukasan?

paningin para sa mga bulag?

kaalaman para sa mga mangmang?

ako?
ano ibibigay ko?

karayom para sa mga manhid...

siguro yun muna.

kasi kahit ibigay mo ung lahat ng kaya mong ibigay.
wala paring mangyayari.
siguro kailangan nilang makatikim ng tusok ng karayom.
para magising lang tayo sa pagkakalasing natin sa mga bagay na akala natin ay totoo.

naalala ko tuloy ang isang kasabihan.

"bigyan mo ng isda ang isang pulubi at mapapakain mo siya sa isang araw
pero pag tinuruan mong mangisda ang isang pulubi, mapapakain mo sya sa buong buhay nya"


walang masama sa pagtulong... pero pag isipan din natin.
sa twing nagbibigay tayo, tinuturuan din natin silang maging tamad.

ako... wala akong mabibigay. wala akong pera... yung pagkain ko kulang pa saakin. wala rin akong trabaho. wala rin akong oras. hindi maganda ang boses ko. kabilang din ako sa mga sinasabi nilang kabataang walang kinabukasan. madalas ay bulag din ako. at ako rin ay mangmang.

pero meron akong pangarap.
kung kaya ko lang mangarap para sa lahat ng mga taong walang pangarap e yun nalang ang gagawin ko.

at dahil sa pangarap ko tinusok ko na ang sarili ko nang karayom.
para mawala ako sa huwad na katotohanan.
para masaktan ako.
para tumibay ako.
at nalaman ko na puwede palang magbago.

lahat ng bagay ay nagbabago.
pero kailangang masaktan para umusad.
kaya kung nagiging komportable ka na jan.
baka kailangan mo na rin ng karayom.
baka kailangan mo ulit mangarap.

isipin natin.
ano ba ang mabibigay ko sa Pilipinas?

Thursday, April 30, 2009

the flight of the sleeping pig.

magandang araw. pasensya na kasi ngayon lang ako nag post. matagal kong hinahap tong tula na ito eh.

ito ang laman ng utak ko noong Thursday Jan 27, 2005 5:26 pm...
ito ay tumutukoy sa paghahanap ng trabaho.



ito ay inaalay ko sa mga taong nagtatrabaho... lalong lalo na ang mga nagpupuyat gabigabi para humigop ng maasim na kape ng starbaks.




title neto "Buy pinoy"

bumili ako ng suka kahapon
tapos nakita ko sa label
"buy pinoy, save jobs"
buy pinoy, save jobs sabi ko ayus yun
ayus yun

kasi sabi ng titser ko sa ekonomiks
na kapag bumili ka ng produktong pinoy-
tataas daw yung...
basta yun yun
parang sinabi ng titser ko na
"yan ang magsasalba ng ekonomiyang naghihikahos"
...
kagaya ng sa atin

kaya

bumili ako ng suka
yung suka na kulay green
tapos nakita ko sa label
yung "buy pinoy, save jobs"
buy pinoy, save jobs sabi ko ayus yun
buy pinoy, save jobs sabi ko ayus yun

buy pinoy... buy
pinoy buy... pinoy
bay???
pinoy bay??? pinoy bay???

kagaya nung sa komersyal dati...
ung something about reinventing
phillipine marketing strategies:
danggit bay? danggit bay?
Pusit bay? Pusit bay?
Tuna bay? Tuna bay?
Lobster bay? Lobster bay?
dvd dvd dvd...
Bangus bay?? Bangus bay??
Galunggong bay?? Galunggong bay??
tilapya bay?
TILapya??
TILAPYA???

gusto mo ng tilapya?
SARIWANG SARIWA!!!
Cherry pa.
anu gusto mo??? bata???
meron kami KINSE...
katorse.
TRESE MERON DING TRESE

laman ba? laman ba??? laman ba! LAMAN BA?!?

baka gusto mo ng lalaki... meron ding kami
dose?? onse????
NUEBE,
NUEBE ANYOS MERON!!!

...

...

BUY PILIPINO SAVE JOBS?

...

buy pilipino???

eh bakit intsik ung brand ng nabili kong suka???
diba dapat pinoy yung may ari nun???
diba dapat pinoy yung may ari nun???
diba dapat pinoy yung may ari nun???

panong mangyayaring buy pinoy save jobs eh
di naman pinoy yung may ari ng companya???
di naman pinoy yung may ari ng companya???
di naman pinoy yung may ari ng companya???
di naman pinoy yung may ari ng companya???

kaya sa kanila napupunta yung kita di satin.

BUY PILIPINO SAVE JOBS?

HAH?
SAVE JOBS???
EH LAGANAP NGA YUNG TANGGALAN NG TRABAHO EH!!!!
EH LAGANAP NGA YUNG TANGGALAN NG TRABAHO EH!!!!
EH LAGANAP NGA YUNG TANGGALAN NG TRABAHO EH!!!!
EH LAGANAP NGA YUNG TANGGALAN NG TRABAHO EH!!!!

yung kompanya nga napinoy yung may ari
eh buwan buwan may inaalis eh...
mga isang libo yung mga empleyado na natatanggal, buwan buwan
natatanggal, buwan buwan
natatanggal, buwan buwan



kaya ang pilipino lumalayas... tumatakas...
inaalipin.. INAABUSO!
INAALIPIN-INAABUSO!!!!
INAALIPIN, INAABUSO!!!!
kung saan saan pumupunta... kung ano anong porma:
katulong; nars; Care givers; MAIL TO ORDER BRIDES!!!!
alipin, ALIPIN! ALIPIN na lang tayu....

Buti na lang may mga kano na nagpunta sa pilipinas
para magtayo ng bisness, di na nating kailangang mag abroad.

kol senter.

Peoples support, SYKES, Conevrgys, WEST, touch asia AMBERGRIS...
etc...
you know...


Haller? haller???
"thank you for calling..
how may i help you??"

then they'll ask questions about the company
and then youll just answer their questions.
just like that!
and now your like, their problem solver..
build raport and stuff..
you know...
HALLER???

Oh men, the income part...
we will never make tusok tusok at the fishballs on the canto
we'll just make tambay at the nearest STARBUCKS or SEATTLE'S Best...

...

tapos yun...
ung gabi nagiging umaga.
MAGTATAKSI KA ARAW ARAW...
KASI WALANG JEEP.
TAPOS MAGDAMAG KANG GISING
PARA LANG MAGING HUMAN ANSWERING MACHINE!!!
PARA LANG MAGING HUMAN ANSWERING MACHINE!!!
PARA LANG MAGING HUMAN ANSWERING MACHINE!!!

PARA LANG SIGAW SIGAWAN,
PARA LANG MURA MURAHIN.
SIGAW SIGAWAN,MURA MURAHIN!!!
SIGAW SIGAWAN,MURA MURAHIN!!!
MAGING HUMAN ANSWERING MACHINE!!!!

DI KA PINAG ARAL AT PINAGTAPOS NANG NANAY MO
PARA LANG SIGAW SIGAWAN,MURA MURAHIN!!!
SIGAW SIGAWAN,MURA MURAHIN!!!
MAGING HUMAN ANSWERING MACHINE!!!!

SAPAT NA BA UNG 13K NA SUELDO PARA-
SABIHIN SA KANO NA HINDI KA PILIPINO???
AT KANO KA DIN NA KAGAYA NILA???

SAPAT NA BA UNG 13K NA SUELDO PARA-
KALIMUTAN NA PILIPINO KA????
SAPAT NA BA UNG 13K NA SUELDO PARA-
KALIMUTAN NA PILIPINO KA????
KALIMUTAN NA PILIPINO KA????
KALIMUTAN NA PILIPINO KA????

pera...
pera lang pala yung katapat
magkano ba ang 13k kung ikukumpara
sa kininita ng mga kano na yan???

Sa magkanong peso ba ung halaga ng isang dollar???
Kano ung nagpapatrabaho sa inyu
Mas mura kasi ung pasweldo sa atin
Kesa sa kanila sila mag tatayo ng bisnes



buy pinoy save jobs
buy pinoy save jobs...

mukhang tama nga ung nakasulat.

nabili na ang pinoy
nabili na ang pinoy
...



-lecter

anyway

dito hindi natumbok ang solusyon sa problema.
dahil hindi ang pagiging empleyado ang mabisang paraan para makakuha ng perang pangkain, pangdota etc- dahil sa unstable ito .

well kung nag eenjoy kang maghanap ng trabaho mayat maya e sumige ka.

kaya dapat tayong maghanap ng mas stable na alternative.
dahil hindi nakakabuhay ang pagiging empleyado lang.

at kung gusto mong mag sakripisyo nang malaki para mag abroad or mag callcenter e ok lang.
kung nabasa nyo ung una kong post, nakalagay doon ung aking formula na

[ kaligayahan = oras + pera ]

so isipin natin kung bakit tayo nag tatrabaho:
para sa ating mahal sa buhay- kasi sila ang nagbibigay ng kaligayahan saatin.

pero hindi mo sila kasama/kasama mo man magkaiba ung oras ng tulog mo sa oras ng tulog nila.

pointless di ba?

Tuesday, March 24, 2009

para sa mga bagong graduates.

gusto ko kayong i-congratulate at gusto ko kayong i-welcome. tapos na ang buhay eskwela. ngayon ang simula ng tunay na buhay.

malamang marami sa inyo ang naghahanap ng trabaho(goodluck). ung iba naman ay nagsisimula nang mag isip ng pag papamilya. at siguro mayroon parin ang sumusunod sa "pahinga muna anak" motto. ganun paman gusto ko kayong batiin ng magandang kaarawan. dahil ngayon palang kayo mabubuhay. ngayon nyo palang matitikman ang mabuhay. ngayon malalaman nyo na ang katotohanan.

wag kayong matakot dahil halos kaunti lang naman ang pinagkaiba sa eskwela. gigising din kayo nang maaga para pumasok - sa trabaho. nanjan parin ang "no id no entry" rule. nanjan din ang boss mo sa halip na titser. at syempre me grades - pera. meron ding mga top ten - mga sipsip sa boss... walang pinagkaiba :)

mas masaya dito kasi ngayon magkakapera ka na. hindi kana manghihingi ng pera sa nanay mo. lahat ng gusto mong laruan mabibili mo na - psp, ipod, laptop, ps3, bagong cellphone. at kung mas mataas pa ung grade ( sweldo) mo makakabili ka ng mas mahal na laruan... (kotse , bahay, motor, etc ). kung gusto mong gumimik ok lang. kasi ikaw naman ang kikita ng panggastos mo.

exciting di ba? pero wag kayong masilaw agad. dahil kagaya ng eskwela marami rin ang bumabagsak. kung ang grade ay ang pera, ang bumabagsak ay ang taong walang pera. tingin lang kayo sa paligid nyo. im sure maraming pilipino ngayon ang bumabagsak (walang pera). at katulad ng eskwela, ang mga bumabagsak ay mga taong hindi nag handa.

at syempre may mga pagkakaiba din:

1. attitude sa pagkakamali-
sa eskwela kapag nagkamali ka ang tawag sayo ay tanga.
sa labas ng eskwela, ok lang magkamali dahil dun ka matututo.
example: kung hindi ka mapapaso, hindi mo malalaman na mainit pala ang isinubo mo

2. attitude sa pagtutulong tulong-
sa eskwela kapag nag patulong ka sa iba ang tawag sayo ay cheater.
sa labas ng eskwela kapag hindi ka nakipagtulungan ay hindi ka magtatagumpay.

3. attitude sa pag iisip ng bagong paraan
sa eskwela kapag may pinagawa sayo ang titser mo at naka isip ka nang masmabilis na paraan: "not following instruction"
sa labas ng eskwela kapag nakaisip ka ng mas mabilis at mas madaling paraan ang tawag sayo ay henyo.


kanina may sinabi ako tungkol sa pera at grades. malamang marami na sainyo ang pagod na pagod na sa pag aaral. at gusto nyo nang i enjoy ang buhay. well actually jan talaga ako pupunta. pero gusto kong ituro ang isa sa formula...

kaligayahan = pera + oras.

so para mag enjoy kayo kailangan nyo ng dalawa. pero hindi nyo ba napapansin na kapag nagtrabaho na kayo, ang ginagawa nyo ay pinagpapalit nyo ang oras sa pera? so kung nag trabaho kayo ng kumpletong oras, kumpleto din ang sweldo nyo. kapag kaunti ang oras na tinrabaho nyo eh kaundi rin ang sweldo nyo.

ngayon magkakaproblema na tayo. dahil kung mag eenjoy ka rin lang e dapat enjoy talaga. pero kakaunti lang ang oras natin. at kung gusto natin nang engrandeng kasiyahan kailangan din natin ng engrandeng pera. so kung dadagdagan mo ang oras mo para kumita nang maraming pera eh mababawasan naman ang oras mo para i enjoy ang buhay.

nakakapagtaka hindi ba?

pero alam nyo ba na hindi lang sa pagiging empleyado ang paraan para magkapera?

alam nyo ba na may mga taong kumikita kahit hindi nagtatrabaho?

gusto nyo bang malaman kung papaano nila ginagawa iyon???

email nyo ako... pag usapan natin.

pinoypiper@yahoo.com