Monday, May 4, 2009

nanalo si pacquiao, pero talo pa rin ang pilipinas

kung may isang pagkakataon ka
para magbigay sa mga pilipino
ano ang ibibigay mo?

pagkain para sa walang makain?

pera para sa walang pera?

trabaho para sa walang trabaho?

oras para sa mga mamamatay na?

boses para sa mga pipi?

kinabukasan para sa walang kinabukasan?

paningin para sa mga bulag?

kaalaman para sa mga mangmang?

ako?
ano ibibigay ko?

karayom para sa mga manhid...

siguro yun muna.

kasi kahit ibigay mo ung lahat ng kaya mong ibigay.
wala paring mangyayari.
siguro kailangan nilang makatikim ng tusok ng karayom.
para magising lang tayo sa pagkakalasing natin sa mga bagay na akala natin ay totoo.

naalala ko tuloy ang isang kasabihan.

"bigyan mo ng isda ang isang pulubi at mapapakain mo siya sa isang araw
pero pag tinuruan mong mangisda ang isang pulubi, mapapakain mo sya sa buong buhay nya"


walang masama sa pagtulong... pero pag isipan din natin.
sa twing nagbibigay tayo, tinuturuan din natin silang maging tamad.

ako... wala akong mabibigay. wala akong pera... yung pagkain ko kulang pa saakin. wala rin akong trabaho. wala rin akong oras. hindi maganda ang boses ko. kabilang din ako sa mga sinasabi nilang kabataang walang kinabukasan. madalas ay bulag din ako. at ako rin ay mangmang.

pero meron akong pangarap.
kung kaya ko lang mangarap para sa lahat ng mga taong walang pangarap e yun nalang ang gagawin ko.

at dahil sa pangarap ko tinusok ko na ang sarili ko nang karayom.
para mawala ako sa huwad na katotohanan.
para masaktan ako.
para tumibay ako.
at nalaman ko na puwede palang magbago.

lahat ng bagay ay nagbabago.
pero kailangang masaktan para umusad.
kaya kung nagiging komportable ka na jan.
baka kailangan mo na rin ng karayom.
baka kailangan mo ulit mangarap.

isipin natin.
ano ba ang mabibigay ko sa Pilipinas?

No comments:

Post a Comment